MISTER: wala akong tulog dahil naiisip ko P500K na utang ko kay pare.
MISIS: madali yan! Tawagan mo si pare, sabihin mong hindi ka
makakabayad sa utang mo para siya naman ang hindi makatulog!
JUDGE: isa ka palang pusher, kidnapper, gun for hire, gambling lord,
swindler at bugaw! Wala ka bang matinong hanapbuhay?
ACCUSED: meron po. Pulis po ako.
Dalawang unano galing motel.
UNANO 1: pare, hindi ko nagalaw date ko kagabi, buti pa kayo, dinig
ko humihiyaw ka ng "1,2,3 ummph!!"
UNANO 2: ga go! Hindi ko kasi maakyat ang kama .
JEEP PASSENGER: manong bayad.
JEEP DRIVER: saan galling?
JEEP PASSENGER: sa akin.
JEEP DRIVER: papunta saan?
JEEP PASSENGER: sayo.
Babae: Doc, kumusta na ang asawa ko?
Doc: Sorry ma'am. Mula ngayon, ikaw na ang magpapakain at
magpapaligo sa kanya, kasi, putol na ang kanyang mga kamay at paa.
Babae: Hah?! Hindi nga?!?
Doc: Hehehe! Ninerbyos ka ano? Joke lang! Patay na sya!
Amo: Inday, titira dito ang biyenan ko ng 3 buwan. Ito ang listahan
ng mga favorite nyang pagkain.
Maid: Opo, sir.
Amo: Kapag may niluto ka dyan, lagot ka sa akin!
Mrs: Naniniwala ka ba na ang babae habang tumatanda ay gumaganda?
Mr: Oo naman.
Mrs: Sa tingin mo, gumaganda ba ako?
Mr: Sa tingin ko, hindi ka tumatanda.
Son: Itay, pinagalitan ako ng titser ko!
Dad: Bakit?
Son: Hinalikan ko po ang seatmate ko.
Dad: Tong anak ko, manang mana. Hehehe. Eh, masarap ba?
Son: Opo, pogi po sya eh.
Lasing: Hoy! Sinong matapang?! Labas!
Lalake: Ako! Bakit? Lalaban ka?!
Lasing: Pare, ihatid mo naman ako sa bahay, natatakot ako kay misis
eh.