Call Boys & Call Girls

The Hottest Forum for People Working in Call Center, BPO and IT Industry
 
HomeGallerySearchMemberlistRegisterLog in

Share | 
 

 galing sa ibang forum...a great read!

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
bata™
Admin
avatar

Male
Number of posts : 416
Age : 30
Location : from my mothers womb
Job/hobbies : jobless
Registration date : 2008-04-27

REPUTATION
RPG: 10

PostSubject: galing sa ibang forum...a great read!   11/5/2008, 12:06 pm

Congee? Mukha ba kong lugaw?

Conggi? Ano yun?

Sira, di ako mongoloid. 'Di rin ako abnormal. Autistic lang, may sariling mundo. Nagsasalita ako mag-isa madalas, pero normal naman ako in general. Sampu lang naman daliri ko ah. (sabay bilang ng daliri sa kamay.)

Sus, petiks ka lang naman sa unit mo ah. Dami din ako deadline eh, sabay sabay nga, tapos lalayasan ka pa ng boss mo.

Sorry ka, I'm not skinny... I'm uhh... slender (rolls eyes,sabay ngiti). Palibhasa ikaw tatlo tiyan mo, he he. Sabi kasing wag mong isusuot ang damit ng pamangkin mo, ayan humihiyaw tuloy ang pusod mo.

Sus joke lang, 'di ka naman mataba ah. Namayat ka nga, nakita ko yung mga pictures nyo dati, laki ng pinayat mo.

Mahigit isang buwan. Nakilala kita, magaling ka na. I've known you for one month, thirteen days, to be exact. Tandang tanda no? (natahimik matapos mapag-isip isip and nasabi) Stalker na stalker ang dating ano?

Career ko yun dati eh (ngingiti ulit).

Bakit anong oras ka ba umuwi kagabi? 'Langya nagcellphone ka pa, di naman marunong magreply.

Mga alas tres ehehe... eh alam ko naman di ka natutulog. Kaya nga ganyan mata mo diba? Pero mas maganda ang malaki ang mata alam mo? Doe eyes ba.

Oo, mukha ka daw usa.

Ahem ahem, nasamid ako dun ah.

Yung message ko kagabi? Meron ba? Ahh... wala... wala... wrong send lang yun (palusot).

Mamaya pa ko, minsan lang mawala si bossing, enjoy ko muna. Ikaw, mamaya ka na din pumasok, upo muna tayo tara, alam ko mabigat yan dinadala mo (sabay tingin sa tiyan) hek hek.

I'm fine, thank you. Puyat lang kagabi. May iniisip. Lagi naman eh.

Tungaw, sino bang may kasalanan? Tinulugan mo kaya ako.

Wala nga eh. I go out a lot, but nothing serious. Ewan ko, di pa ko ready? Masyadong cliché ano? O masyado kong nadala sa past relationships ko? Maybe I just haven't found the right person yet. Lalim no?

Dati, ewan ko, malamang tuloy pa rin yung plan. Di na ko magaasawa, tapos magaampon ako. Yung girl, kasi gusto ko talaga girl.

Ngayon? As a matter of fact, I do (stares). Ewan ko, alam ko alam niya.

Ligaw? Ano, highschool?Masyado na kong matanda para dun. Di ba mas okay yung lumalabas kayo, you get to know each other, if it worked out, pag nag-click kayo, mas maganda. Kasi pag ligawan diba parang yung girl lang ang nagju-judge kung papasa yung guy sa kaniya. At least with casual dating, it works both ways, nakikita din nung guy kung magugustuhan din niya yung girl in the long run.

I've gone out with her a couple of times, friendly date sa kaniya, sakin may malisya ehehe, saka complicated... then again, not really. May boyfriend siya eh (long silence).

Ikaw, 'musta na kayo, ano nga ba pangalan nun swit mo?

Hehe, obvious ba? Di ko naman binabago usapan, (bubulong) kung alam mo lang, sobrang related yun...

Wala, sabi ko ang ganda mo. Ahem. Lumakas ako magyosi dahil sayo, dati chain-smoker lang, ngayon chain-smokerer na ko (long silence ulit).

Alam mo naman diba? Di naman nila tayo lolokohin dalawa kung walang basehan. Don't worry, I'm not planning to do anything about it. I know you're happy with your relationship right now. Three years? I guess that's something you ought to be proud of. I know I can't offer what he's giving you. All that love, and responsibility, and commitment. Ni hindi ko nga matiis di magyosi ng isang araw. I guess I haven't matured at all. But I like you. I like you a lot.

One month, thirteen days, to be exact (sad smile).

Love? I don't know. Probably not. God, I hope not. Kung love yung nangyari sakin dati sa mga nakaraang relasyon ko, ayaw ko na. I wanted my next one to be the last, you know? Or at least, be something real.

Oo nga, that was my plan... until I met you.

As I've said, I'm not planning to do anything about it for now. Wala nga kong balak sabihin sayo eh. What good would it do for you to know that you're on my mind on each of my waking hours? That I can't do my job right thinking about you? That it kills me every time I look in your eyes and see that look that says I will never ever be more than a friend to you? Wala naman diba? Katangahan ko 'to (ngiti), there's no sense troubling you with it. Mahirap, oo, pero kakayanin ko. If it breaks my heart in the end, I don't care. I never thought I'd see you again, now I feel it might have been better if I didn't. I guess it's not that bad, though. Napapangiti mo ako kahit anong init ng ulo ko. My Sunday-evening-depression is gone, now that I actually have something to look forward on Mondays. And that, believe it or not, I actually have a reason to go through my life- that I will be able to see you again, and someday, maybe someday, that look in your eyes will change. And that maybe, I can learn to love again. Yes, I like you that much. Something that I will never ever be able to tell you. So here I am, smoking heavy as ever even though I'm two months on my medication. Tigas ng ulo kaya hindi gumaling galing eh no?

Kinalaman? Kasi dito, nakakalimutan ko na may iba pang tao sa mundo bukod sayo. Dito nakakasama kita, nakakausap, nakakatawanan. Dito nakakalimutan kong may mahal kang iba.

"Conggi!," galing sa likod. "Andyan ka pala."

"Mukha ba kong lugaw?" Sabay ngiti.

"Ba't di mo ko hinintay? Tayo magkakosa dito diba? He he. Nagsasalita ka nanaman magisa, mongoloid ka talaga."

"Di naman, autistic lang. Tapos na ko, una na ko sayo ha."

"Ok. Huy, nga pala, ano yung tinext mo sakin kagabi?"

"Yun? Wala yun... wrong send lang."




##########



Author's note: This was published (non-commercially; pen name pusa) on Peyups a couple of years ago and was written even way more back. Seems kinda stupid when I read it now

*just search peyups sa google...hehehe...



------credits to PrinceOfCats *from the mukamo forum..

_________________
A bone to the dog is not charity. Charity is the bone shared with the dog, when you are just as hungry as the dog.
Back to top Go down
View user profile
psychedelic

avatar

Female
Number of posts : 109
Age : 33
Location : nowhere st.
Job/hobbies : ??
Registration date : 2008-04-28

REPUTATION
RPG: 5

PostSubject: Re: galing sa ibang forum...a great read!   12/23/2008, 6:03 pm

hehehe i've read this.. it's really nice.. Smile

_________________
If you want breakfast in bed,
Sleep in the kitchen..
Back to top Go down
View user profile
 
galing sa ibang forum...a great read!
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» [UPDATED 11/29/16] OFFICIAL BEARVILLE RAINY DAYS FORUM RULES ~ PLEASE READ AND SIGN!
» Please read before posting - Forum Intro
» Great Wii Games
» On Sale-MT forum with .com domain[Romanian forum]
» TOwowCN - Suppot forum 3.3.5

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Call Boys & Call Girls :: LOUNGE-
Jump to: